Maraming puso ang naantig sa larawan na kumakalat ngayong sa social media tungkol sa isang security guard. Makikita sa larawana ang isang sekyu na nag uulam lamang ng chichirya kahit deretso ang trabaho nito.
Ayon sa sekyu, sakripisyo daw nya iyon para sa kaniyang pamilya sa Cotabato. Marami ngayon ang naantig at humanga sa kanya sa social media.
Sa binahaging larawan ng isang netizen na si Ralph Reymond Hermano Getanes, makikita ang isang sekyu na nag uulam ng chichirya. Ayon sa post ng Facebook page na soul I Adventures, nagsasakripisyo ang sekyunpara sa pamilya.
Dahil pangarap daw nito na makapagtapos ang mga anak kahit pa na sya ay kumain ng mga pagkaing hindi masusustansya.
Narito ang iba sa kanilan napag usapan ng sekyu.
“Nakakadurog ng puso makakita ng ganito! laban lang boss
KASABAYAN SA PAGKAIN
Me: Bas, Chicherya ulam mo?
Him: Uo Sir. Ang dami ko kasing sinu.suportahan sa COTABATO Sir.
Me: Baka magkasakit ka niyan, straight duty ka pa naman.
Him: Sanay na ako Sir. Di bale, balang araw pag makatapos sila, SANA HINDI NA GANITO. Inshallah
Pa smile2 lang siya that time pero ramdam ko sa bawat bigkas niya ang kinukubling hirap at pangungulila.”
Bumuhos na ang papuri at paghanga para rito mula sa social media.
“Sana in the future maibalik sayo ng mga anak mo kuya yung sacrifices na ginagawa mo just to support them. Sana they could see this post so they know that you are their real life superhero. Kudos to you kuya. More blessing and may God protect you always.”
“Binabasa ko pa lang tumutulo na yung luha ko. Someday tatay, may kapalit lahat ng ginagawa mo. Proud na proud po ang family nyo kase may isa silang tatat, tito, o asawa na tulad nyo. God bless you Tay.”
“The fact na nakangiti ka while doing those sacrifices? Sapat na realization yun samin how genuine your heart is. Keep the faith! Lahat po ng pinagsusumikapan at pinaghihirapan nyo mangyayari. Will be praying for you kuya and be reminded that Jesus already planned the best for you and your family. God bless po.”
Nakakalungkot man pero ganun talaga ang buhay. Lahat kayang gawin nang magulang para sa anak.