Read Here: Full Text of Mar Roxas’ Concession Speech

Foryourmemoir

Top Trending News Online! As of 1:08 pm the Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas already stated his concession speech being just the second presidential candidate. He already concede to Mayor Digong of Davao City Mayor Rodrigo Duterte just this Tuesday, May 10.

The press conference happened in Quezon City, the headquarters of Liberal Party. Mar has the 9,249,813 or 23.3% of votes while Duterte has 15,342,569 votes or 38.7%.

Below is the concession speech of Mar Roxas:

Concession SPeech

Magandang hapon po sa ating lahat.
Sinulat ko po ang nais kong sabihin para wala akong makalimutan:
Gusto ko pong magsimula sa isang taos-pusong pasasalamat. Sa mga kababayan natin na kumaway, nakipagkamay, at kumopkop sa amin ni Leni nang bumisita kami sa inyong mga lugar. Marmaming salamat sa inyo.
Sa mga nagtiwala hindi lang sa akin, pero pati na rin sa mga prinsipyo na ipinaglalaban natin. Maraming-maraming salamat. Sa mga kababayan natin na habang kinakamayan ako, tiningnan ako nang mata sa mata at sinabihang ako ng “God bless you. Ipaglaban mo kami. Huwag mo kaming pababayaan.” Maraming salamat.
Salamat kay Pangulong Noynoy Aquino at sa kanyang pamilya. Sa ating partido, Partido Liberal, at sa kanyang mga kaalyadong partido. Salamat sa mga CSOs, mga NGOs, sa Silent Majority, sa mga ordinaryong mamamayan. Sa lahat sa inyo ng mga volunteers, sa aking pamilya—nandito ang aking misis, si Korina—sa ating mga kaibigan. Sa lahat pong tumayo, to all of you who took up the cudgels, who shared in our aspirations, na nakasama kong tumayo, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.
Araw-araw, kasama ko kayo na humarap sa lahat ng hamon. Alam ko na marami sa inyo, stuck your necks out sa laban na ito. Pero sa kabila ng lahat, hindi kayo bumitaw. Nanindigan kayo. Sinamahan n’yo ako hanggang sa dulo. For that, I am very grateful.
Ngayon, hindi pa tapos ang laban ni Leni. Angat siya, lumalaban siya. Patuloy tayong magbantay, manalig, at sumuporta. Siguraduhin nating mabibilang nang tama ang kanyang boto.
At habang ginagawa natin ito para kay Leni, simulan na natin ang pagbuo sa minamahal nating bansa. Galangin at tanggapin natin ang pasya ng ating mga kababayan. Ayon sa unofficial count ng COMELEC, malinaw na si Mayor Rodrigo Duterte ang magiging susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Digong, I wish you success. Ang iyong tagumpay ay tagumpay ng ating sambayanan at ng ating bansa.
Mga kababayan, higit pa sa pagiging supporter o kapartido ng kahit sinong kandidato – Pilipino tayo. Maka-Diyos, may pakikitungo, may malasakit sa kapwa, at naniniwalang lahat ng mahahalaga sa buhay ay pinaghihirapan.
Patuloy nating ipaglaban ang mga prinsipyong ito. Ibigay natin ang lahat ng ating makakaya para makamit ang ating kolektibong mithiin. Ipakita natin – sa bawat salita, sa bawat gawa, sa bawat kilos natin – ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.
I read somewhere that it is not the battle or the conquest that we remember. But the soldier who stood beside us, na tumutoo sa atin, who we treasure the most. Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat. Hindi ko po kayo makakalimutan.
Mga kababayan, isang walang kapantay na karangalan na maging tagapagwagayway ng ating bandila. To have carried our flag. To have fought the good fight. To have kept the faith. To have finished the race.
Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Mabuhay ang Pilipinas!
I love you all!
There are many tears in the room. Let me tell you: this is not a time for tears. For our country, we have had a peaceful successful transfer of power. It’s not about me. It’s not about anyone. It’s about how we love our country and how we’ll do all that we can can for her. She’s the only one.
Maraming salamat po.

Leave a Comment