VIRAL NOW: UNIVERSITY OF MANILA CIVIL ENGINEERING STUDENTS AFTER PAYING THEIR GRADUATION FEES, WERE NOTIFIED THAT THEY WILL NOT GRADUATE

Viralscooper30

Viral now on social media via Raffy Tulfo In Action (RTIA) page, a group of Civil Engineering students at the University of Manila are expected to graduate and already paid their graduation fees surprisingly notified that they do not make it due to a failure in their grades.

According to the reports, all students received a failing grade of 70, and after the professor issued the score he immediately resigned. The question is it intentional?

Another suspicious action of the professor is he did not disclose the test papers of the students to verify if they really fail or not.

The students feared that the school will harass them and coercively will issue a public apology for the alleged atrocities they have done against their alma mater.

HERE IS THE FULL POST ON RTIA PAGE:

Napasugod sa “Wanted Sa Radyo” ang mga estudyante ng University of Manila kahapon, Biyernes, July 21, 2023.

Ilan lamang sila sa 140 Civil Engineering students na matapos pagbayarin ng graduation fee at makapagpa-picture para sa graduation photo, sinabihan na hindi makaka-graduate dahil bagsak sa apat na subjects.

Ang labis na nakakasuspetsa pa ay pare-parehong 70 ang failing grade na nakuha nilang lahat. At matapos silang ibagsak, nagresign ang propesor na may hawak ng apat na subjects na ito!

Ang masaklap pa, hindi man lang daw ipinapakita sa kanila ang mga test paper para malaman kung paano sila bumagsak. April pa raw sila nag exam pero nitong July lang sila sinabihan na hindi sila makaka-graduate.

Ayaw din daw silang kausapin ng school authorities para magpaliwanag tungkol dito. Ang pinangangambahan pa ng mga estudyante ay baka sa bandang huli, hingin ng school na sila ay mag-public apology matapos silang magreklamo. Ganito rin daw kasi ang naging kinahinatnan sa mga estudyanteng dating nagreklamo laban sa eskwelahan

Agad tinawagan ni Sen. Idol ang Commision on Higher Education (CHED) Chairperson na si Prospero De Vera III. Nangako si De Vera na mamamagitan para sa mga estudyante at magpapalabas ng show cause order laban sa University of Manila.

Nakatakdang samahan ng RTIA at Senate Staff ni Sen. Tulfo ang mga estudyante sa CHED sa Martes, July 25.

Makailang beses tinangkanag tawagan ng RTIA ang University of Manila para hingin ang kanilang panig pero hindi ito sumasagot.

HERE ARE THE PICTURES OF THE STUDENT:

Leave a Comment