KMJS statement regarding the story of “Bea” who stole millions from her family to support her K-Pop collection. KMJS episode “Bea,” a senior high school student who allegedly stole over P2 million from her family’s business to fund her K-pop merchandise collection. The feature said that the fan-owned 3,000 photocards, including some that ranged from P15,000 to P50,000 each.
Here is the official statement of KMJS over “Bea” Episode:
Nakarating sa aming kaalaman ang tungkol sa isang online post na nagsasabing may nahablutan ng K-Pop merchandise sa MRT-Cubao. Inuugnay ito ng ilan na diumano bunsod ng pag-ere ng KMJS sa kuwento ni “Bea” na nagnakaw ng milyon sa kanyang pamilya para suportahan ang kanyang KPop collection.
Nakipag-ugnayan kami sa MRT-Cubao at sa iba pang kalapit na police stations para i-verify ang insidente. Ayon sa pamunuan ng MRT-Cubao at police stations, walang anumang opisyal na naiulat sa kanila na nanakawan onahablutan ng K-Pop merchandise sa nakalipas na 48 oras. Gayumpaman, hinihikayat nilang mag-report sa kanilang tanggapan ang mga nagpakilalang biktima, o sinumang may katulad na insidente para magawan ng aksyon.
Nakikiusap ang pamilya ni “Bea” na tigilan na ang pang-aatake sa kanila online at pagbubunyag ng kanilang pagkakakilanlan. Lumapit sila sa KMJS para matulungang mabawi ang perang pinaghirapan nila.
Samantala, kinokondena naman ng pamunuan ng KMJS ang ginagawang trolling at harrassment ng ilang netizens sa aming staff na gumawa ng ulat tungkol kay “Bea”. Nakikipag-ugnayan na rin ang KMJS sa aming Legal Team para sa susunod na hakbang.
Tulad ng ibang mga kuwentong itinampok sa KMJS, ginawa namin ang istorya ni “Bea” hindi para manghusga, pero para magsilbing aral at babala. Walang intensyon ang programa na makasakit, makapahamak ng iba, o magkaroon ng pagkakahati-hati.