The cremation of Le Chazz — Richard Vargas Yuzon in real life — is set for the Loyola Memorial Chapels and Crematorium in Commonwealth, Quezon City, tomorrow, May 3, 2021.
Cabinet Files spoke with Le Chazz’s best friend AJ Tamiza this Sunday night, May 2.
Le Chazz and AJ have a deep friendship because they have been together on shows in the Philippines for seven years. AJ said about Le Chazz, “May sakit po siyang diabetes. At due to COVID-19, na-stress at na-depress po siya kaya pumayat. Yung kumplikasyon ng sakit niya po ang tingin kong naging cause ng death niya.”
“Nasa Mary Immaculate Funeral Homes po si Chazz. Pero bukas ng 3 p.m. ang cremation niya sa Loyola Commonwealth. Kami po ng half-sister niya ang nag-aasikaso kay Chazz dahil wala po siyang family.”
AJ became emotional because of Le Chazz’s letter to him that seemed to be a premonition of his friend’s farewell.
O Aking Kaibigan…
Ang iyong mukha ay tila puno ng kalungkutan…
Katulad ng madalas nating biruan at kulitan…
Ang ganyang mukha ay medyo mahapdi sa mata kung tititigan
O matalik kong kaibigan…
Maaari bang matanong ko lang?
Ang luha ba sa’yong mata’y ako ang dahilan?
Pasensya ka na kung ako na ay lumisan at unang nagpaalam
Subalit ‘wag kang mag-alala
Pagkat ang puso ko’y ay umalis na puno ng ligaya at kasiyahan
Ang buhay natin ay talagang ganyan…
May mauuna at maiiwan
Di ba’t sabi nga nila…
I-enjoy mo ng todo pagkat buhay ay maikli lamang
Ngunit gaano man kaiksi ang buhay na pinahiram
Ng Poong May-Kapal ay s’yang haba ng pasasalamat
Pagkat ang bawat yugto nito ay nakasama kita mahal kong Kaibigan
Kaya’t pahiran na ang luha at ikaw nama’y tumawa
Dahil ang iyong ngiti at saya ang gusto kong ibaon sa lugar na kung saan lahat tayo ay muling magkikita.