Sylvia Sanchez Shared Her Covid-19 Experience in “Magandang Buhay” TV-Show

Gail

Coronavirus patient, actress Sylvia Sanchez, shared her experience on the ABS-CBN Program “Magandang Buhay.”

Now that she and her husband had finally recovered from the virus, she prayed that their children will be spared from Covid-19.

“Ang unang pumasok sa akin, oh my God, ang mga anak namin kawawa kapag, let’s say, nawala kami pareho. Hindi ko ma-imagine ang pain na dadaanan ng mga bata kapag nagupo kami ng COVID o isa man lang sa amin mawala. So sabi ko sa asawa ko ay laban tayo. Ang naisip ko sila talaga.

“Ang dasal ko, Lord, kung may matatamaan sa mga anak ko, huwag naman po. Ibigay na lang sa akin ang virus nila. Ako na lang po.

“Tapos dumi-diretso ako sa kung may mamatay sa aming mag-asawa, ako na lang. Buhayin mo ang asawa ako, sila na lang. Humihirit pa rin ako. Pero Lord, halimbawa, kaya mo naman na walang mawawala, mas masaya po, basta po ‘yon ang gusto ko, kung gugustuhin niyo po.

“Never akong umiyak sa ospital. Kasi pagpasok ko, April 1, morning na noong April 2 ay nagde-delikado ako kasi doon sabay-sabay na nag-react ang virus. Thank God, ‘di ko inabot ‘yung severe, ‘yung hirap na hirap huminga, pero in-oxygen ako kasi nahirapan din ako huminga. Pagpasok ko pa lang ng ospital ay mababa na ang oxygen ko kasi may pneumonia na ako. Tapos pagpasok ko bumaba pa ang BP ko. Sabay-sabay ‘yon, oxygen bumaba, BP bumaba, tapos inatake ng virus, siyempre ‘yung pneumonia ko. Tapos kumalat sa katawan ko. Tinarget din niya niya ang puso ko so nagkaroon ako ng myocarditis. May LBM pa ako.

“Yung myocarditis, once namaga ang puso mo mahihirapan na mag-pump ‘yung puso natin ng blood. Puwede ka magkaroon ng arrhythmia noon. ‘Yung pagpa-pump mahihirapan, diretso ‘yon sa cardiac arrest kaya takot na takot sila. Tapos ang BP ko bumaba dahil sa infection ko. Bukod kasi sa COVID may sumabay pa na UTI. Hindi ‘yon konektado sa COVID ko.

“Nagro-rosary kami. Tumatawag ang buong Atayde, nagzu-Zoom kami ng ng 6:30, ‘yun ang everyday na ginagawa. Tapos ‘yung pamilya ko rin sa probinsiya, pamilya Campo ay nagro-rosary din kami ng 3 o’clock,” Sylvia told “Magandang Buhay.”

https://www.instagram.com/sylviasanchez_a/?utm_source=ig_embed

Leave a Comment