Ninoy Aquino’s Final Statement for the Filipinos before His Assasination. (Didn’t Read In Public)

Gail

Updated on:

For the Celebration of Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Day, we celebrate our freedom or democracy from the Marcos Administration; we enjoy our rights for this hero.

Here’s the video of death of Ninoy documentary.

Let me tell you about this news, did you know that he has a statement for the Filipinos when he arrived back in Philippines that he didn’t read because he assassinated on August 21, 1983 in NAIA airport.

His statement is written in “Wikang Filipino,” that also seen in Malacanang’s Official Gazette.

Here’s his statement:

Kusa akong nagbalik upang makisama sa mga hanay ng mga nakikipaglaban para sa pagbabalik ng ating mga karapatan at kalayaan sa mapayapang pamamaraan.

Hindi ko hangad ang sagupaan. Idinadalangin ko’t aking sisikaping magkaroon ng tunay na pambansang pagkakasundo batay sa katarungan. Handa ako sa ano mang masamang maaaring mangyari. Nagpasya ako labag sa payo ng aking ina, ng aking tagpayong espirituwal, ng aking mga kaibigan, at ng ilang tagapayo sa politika. May naghihintay sa aking hatol na kamatayan, dalawang kasong subversion na ang pawang hiling ay ang aking kamatayan na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa mga korte.

Maaari sanang ako’y humingi ng political asylum sa Amerika ngunit nadarama kong tungkulin ko na siya ring tungkulin ng bawat Pilipino na makiramay sa kanyang mga kababayan lalo na sa panahon ng krisis.

Kusa akong nagbalik na ang tanging sandata ay ang aking malinis na konsensiya at nagkukuta sa pananalig na sa dakong huli’y ang katarunga’y gigitaw nang buong tagumpay.

Nang ako ay umalis upang ipailalim sa bypass operation sa puso, ako’y umasa at nanalanging sana’y ibalik ang mga kalayaan at karapatan ng ating mga kababayan na ang pamumuhay ay umunlad at ang pagdanak ng dugo ay matigil. Ngunit sa halip na tayo’y sumulong tayo’y dumausdos nang paurong. Dumami ang pagpatay, ang ekonomiya ang lalong sumama at lumubha ang karapatang pantao. Ang malalang kalagayan ng bansa ay ating malulunasan kung tayo’y nagkakaisa. Ngunit tayo’y magkakaisa lamang kung maibabalik ang lahat ng karapatan at kalayaang tinatamasa natin bago ang ikadalawampu’t isa ng Setyembre, 1971. Tunay na matiisin ang Pilipino ngunit may hangganan ang kanyang pagtitimpi. Hihintayin pa ba nating maubos ang pagtitimping ito?

Ang laganap na paghihimagsik ay lumalala at nagbabantang sumabog sa isang madugong rebolusyon. Dumarami ang mga kadre ng kabataang Pilipino na sa ngayo’y naniniwalang ang kalayaan ay hindi ibinibigay kundi kailangan ito’y agawin. Kailangan pa bang tayo’y magbuhos ng dugo tulad noong nakaraan na naging kabayaran ang ating Republika o maaari ba tayong umupo at mag-usap bilang magkakapatid upang ayusin ang ating hindi pagkakasunduan sa tulong ng katwiran at magandang kalooban.

Madalas kong isipin, alin kayang mga sigalot ang naisasaayos sana nang mahusay kung ang mga nagtutunggali ay naglalahad lamang ng kanilang malinaw na mga kagustuhan. Kaya upang di mabigyang puwang ang di pagkakaunawaan, aking ilalahad ang aking mga hangad na mangyari.

Una, iniutos ang pagbitay sa akin noong ako’y palayain kaagad. Ako’y hinatulang mamatay sapagkat ako raw ay isang puno ng mga komunista. Hindi ako isang Komunista, hindi ako kailanman naging komunista at kailanman ay hindi ako magiging komunista.

Ikalawa, ang pamabansang pagkakasundo at pagkakaisa ay makakamit ngunit sa tulong lamang ng katarungan. Kasama na ang katarungan para sa ating mga kapatid na Muslim at Ifugao. Walang pakikitungo sa isang diktador, walang pakikipagsundo sa diktadurya.

Ikatlo, sa isang rebolusyon ay walang nagtatagumpay. Mayroon lamang mga biktima, hindi natin kailangan magwasak upang makatayo tayong muli.

Ikaapat, ang paglaban sa pamahalaan o subversion ay nag-uugat sa mga dahilang pang-ekonomiko, pangkabuhayan at pampolitika at hindi ito malulunasan ng mga hakbang militar. Ito’y masasagkaan hindi ng higit na paghihigpit kundi ng higit na patas na pamamahagi ng kabuhayan. Higit na demokrasya at higit na kalayaan.

Ikalima, upang mapaunlad ang ekonomiya, ang mga manggagawa ay dapat na pagkalooban ng kanilang makatarungan at tamang bahagi ng kanilang pinagpaguran sa pasilyo sa Harvard University ay nakaukit sa marmol ang mga salita ng makatang si Archibald Macleish, ang sabi ni Macleish, “Paano ipagtatanggol ang kalayaan sa tulong ng sandata kapag ito’y sinasalakay ng sandata, sa tulong ng katotohanan kapag ito ay nilalapastangan ng kasinungalingan, ng tiwala sa demokrasya kung ito ay binabayo ng prinsipyong mapaniil, lagi at hanggang sa huli, sa tulong ng matatag na paninindigan.”

Ako’y magbabalik mula sa pagkatapon sa ibang bansa at sa walang katiyakang bukas taglay lamang ang tanging tibay ng loob at pananalig sa Pilipino at pananalig sa lumikha.

Leave a Comment